Dalawang pasyente mula sa Davao City ang under investigation matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Chief of the Southern Philippines Medical Center Dr. Leopoldo Vega, naka-isolate na ang dalawang pasyente sa ospital at isinailalim na sa eksaminasyon.
Siniguro naman ni Vega, na handa ang pagamutan na tumanggap ng mga pasyenteng may COVID-19 symptoms.
Matatandaang kahapon, itinaas sa code red alert status ng Philippine health authorities ang buong bansa matapos na umabot na sa anim ang mga tinamaan ng COVID-19.