Natunton na ng mga awtoridad ang dalawang pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) na tumakas sa Delpan quarantine facility sa Maynila.
Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Manila Police District Chief Brig. General Rolando Miranda, natagpuan ang dalawang tumakas na COVID-19 patients sa Sta. Ana.
Ayon kay Miranda, kapwa detainee ang dalawa ng Sta.Ana Police Station 6 kung saan nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang isa at child abuse ang isa pa.
Aniya, Abril 29 nang magpositibo sa COVID-19 ang mg aito matapos sumailalim sa rapid test.
Habang Mayo 14 nang lumabas ang resultang positibo sa swabbing confirmatory test.