Dalawang sibilyan ang patay habang isang babae ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Sulu.
Ayon kay Colonel Alan Arrojado, Commander ng joint task group Sulu, pawang mula sa pamilya gaMid ang magkapatid na lalaking nasawi habang asawa naman ng isa sa mga ito ang nasugatan.
Naganap ang insidente sa Tiomabal Island habang nakasakay ng bangka ang mga biktima pauwi sa Laminusa Island sa bayan ng Siasi mula sa Maimbung.
May mga kasabwat aniya ang Abu Sayyaf mula sa hindi pa matukoy na kidnap-for-ransom group na responsable sa nabigong pag-kidnap kay Guan Kim Maujon mula Laminusa noong Mayo 6.
By Drew Nacino