Patay ang dalawang indibidwal habang sugatan naman ang 13 pa matapos bumangga sa isang bahay ang isang trailer truck sa Pudtol, Apayao.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, minamaneho ng driver ang pakurbada at pababang kalsada nang napansin niyang hindi gumagana ang preno ng sasakyan dahilan para mawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang sa bumangga ito sa isang bahay.
Ayon kay Pudtol Police Station (PPS) Chief-of-pOlice P/LT. Marvin Fey-Agan, kabilang sa dalawang namatay na hindi na kinilala ang isang menor de edad.
Habang kabilang naman sa mga nasugatan ang dalawang pahinante at driver ng truck.
Nagpapagaling na sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City ang mga sugatang biktima habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero