Dalawa katao ang patay habang sugatan ang 14 na iba pa matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang pick-up sa bayan ng Llorente, Eastern Samar.
Kinilala ang mga nasawi na sina Randy Palce, 32-taong gulang at anak nitong si Ranz Matthew, 3-taong gulang na kapwa lulan ng Black Mitsubishi Strada na may plakang RNW-593.
Naganap ang aksidente sa National Highway ng Barangay San Roque, noong Sabado.
Karamihan sa mga nasugatan ay isinugod sa Llorente Community Hospital at inilipat sa Borongan Doctors Ospital.
Inaalam na ng pulisya ang sanhi ng aksidente.