Patay ang 2 religious scholar habang sugatan naman ang 2 pang indibidwal sa naganap na pamamaril ng apat na armadong lalaki sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinasok at sinalakay ng mga armadong lalaki ang isang islamic religious school.
Wala pang umaako sa pamamaril habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang responsable sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero