Dalawa ang patay at tatlo ang sugatan makaraang magbanggaan ang magkasalubong na motorsiklo sa Real, Quezon.
Ayon sa pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng national highway nang magsalpukan ang mga ito.
Dahil sa lakas ng banggaan, pare-parehong sumemplang sa kalye ang dalawang driver at kanilang mga angkas na nagresulta sa agarang pagkamatay ng dalawa sa kanila.
Lumalabas na pare-pareho umanong walang suot na helmet ang mga nasangkot sa road crash incident.