Patay ang dalawa (2) katao, apat (4) ang nawawala at walo (8) ang nasugatan sa Camarines Norte matapos bayuhin ng Bagyong Ulysses ang Bicol Region.
Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) Region 5, ang mga nasawi ay nagmula sa mga bayan ng Daet at Talisay.
Samantala, tatlo sa mga nawawala ay mula sa bayan ng Vinzons at isa mula sa Mercedes at mga nasugatan ay mula sa mga bayan ng Mercedes, Bacud, Daet at Vinzons.
Ang Camarines Norte ay naisailalim sa Tropical Wind Signal No. 3 nang lumapit ang Bagyong Ulysses sa Luzon landmass.
Ipinabatid ng OCD na halos 58,000 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses kung mahigit 50,000 ang nasa evacuation centers.