Dalawang katao ang patay habang apat ang sugatan matapos tumagas ang kemikal sa isang planta sa Estados Unidos.
Nangyari ang naturang insidente dakong 7:30 ng gabi nang tumagas ang acetic acid sa Lyondellbasell facility sa La Porte Complex.
Ayon sa mga otoridad, dalawa ang nagtamo ng matinding pinsala at apat ang nasugatan na agad na dinala sa pinakamalapit na ospital.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Harris County Judge Line Hidalgo sa pamilya ng mga nasawi sa insidente.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang lugar.