Dalawa ang nasawi habang apat na iba pa ang sugatan sa pamamaril sa Buhangin, Davao City.
Kinilala ang suspek na si Rolando Salazar, 66 taong gulang, habang hindi naman tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Sa imbestigasyon, kinompronta ni Salazar ang kapitbahay nito dahil sa mabahong amoy na pinaniniwlaaang nagmula sa septic tank hanggang sa mauwi ito sa pamamaril.
Tinangka pa umanong tumakas ni Salazar pero nadakip din siya ng mga awtoridad.
Kasong murder at frustrated murder ang isasampa laban sa suspek.