Dalawa ang naitalang nasawi habang higit 50 kabahayan ang nasira matapos na tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa ilang lugar sa Leyte.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 5 kilometro ng hilagang silangan ng Albuera, Leyte.
Dahil dito, naranasan ang matinding pagyanig sa Albuera at Ormoc City.
Tinukoy ni Ormoc City Police Spokesperson Superintendent Ma. Elma Delos Santos na isa ang nasawi sa Barangay San Jose habang isa pa sa barangay Naungan.
Napinsala naman ang 56 na kabahayan sa Barangay Altavista sa Ormoc City.
Nagsasagawa pa ng damage assessment sa naturang mga lugar para matukoy ang kabuuang halaga ng mga napinsala ng lindol.
By Rianne Briones