Patay ang dalawang katao habang sugatan ang anim na iba pa sa banggaan ng tricycle at truck sa lungsod ng Sapian, Capiz.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, biglang nawalan ng kontrol ang drayber ng tricycle na si Jordan Viloria kung saan sumalpok ito kasalubong na truck na minamaneho ni Vergilio Pabalona.
Dahil sa lakas ng impak ng banggaan, nawasak ang unang bahagi ng tricycle at naipit ang pasahero sa loob habang ang iba ay tumilapon sa kalsada. —sa panulat ni Airiam Sancho