Dalawa ang nasawi habang anim na iba pa ang isinugod sa ospital matapos pagsasaksakin sa Turku, Finland.
Ayon sa mga awtoridad, tatlo sa mga hindi pinangalanang biktima ay sumasailalim ngayon sa surgery.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente malapit sa Central Market Square at Puutori Market Square.
Nabaril naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na tinamaan sa hita habang tinutugis naman ang iba pang responsable sa naturang pag-atake.
By Gilbert Perdez