Patay ang dalawang (2) sibilyan habang pitong (7) iba ang sugatan kabilang ang ilang mga bata sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Maguindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Unti Kamama, 60-anyos at 13-anyos na si Mohammad Kamama.
Habang ang mga nasugatan ay sina Aila Amor, 25-anyos; Tukay Kamama, 26-anyos at apat na batang may edad dalawang taon hanggang anim na taon at ang sundalong si Reserve Army Private Clinton Vigfor.
Ayon kay Sixth Civil Military Operations Chief Col. Gerry Besana, nagsimula ang bakbakan matapos atakehin ng BIFF ang detachment ng Philippine Army sa Sitio Bacong Shariff Aguak.
Samantala kinumpirma naman ng BIFF Spokesman Misry Mama ang pag-atake.
—-