Dalawa (2) ang iniwang patay sa pananalasa ng bagyong Kabayan sa Region 3.
Kinilala ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC ang mga nasawing biktima na sina Raquel Camilo ng Barangay Luzsok, Bongabon, Nueva Ecija at Samuel Corcoro ng Barangay Debuco Maria Aurora sa Aurora Province.
Namatay si Camilo matapos malunod, habang si Corcoro ay nakagat ng ahas.
Bukod sa mga fatalities, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na dalawa ang nasugatan sa Region 1 habang 63 ang nawawala sa Regions 1 at 3.
Umaabot naman sa mahigit 4,000 pamilya ang apektado ng bagyo sa mga probinsiya ng Aurora, Bulacan, La Union, Nueva Ecija at Zambales.
By Meann Tanbio