Dalawa ang nasawi sa matinding pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa Misamis Occidental sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko.
Kinilala ang mga biktimang sina Mario Sambiog at anak na si Elenita Calamian, kapwa residente ng Barangay Mialen, Oroquieta City.
Ayon sa Office of Civil Defense, hanggang leeg ang baha at pawang bubong na lamang ng bahay ang nakikita sa naturang lugar.
Mahigit 300 pamilya naman ang nagsilikas sa Northern Mindanao, kabilang sa Misamis Occidental at Eastern Visayas.
Una nang inihayag ng PAGASA na ang pag-ulan ay dulot ng shear line at Northeast monsoon o Amihan. –sa panulat ni Jenn Patrolla