Dalawa ang nasawi habang apat ang sugatan, matapos tumama sa flyover railings ang kanilang sasakyan sa Magsaysay Avenue sa Baguio City.
Ayon sa mga imbestigador, kinilala ang nasawi na sina; Cherry Lyn Monte Sasa, 25 anyos at Rodel Polano, 18 anyos.
Habang ang mga sugatan naman ay sina; Fe Serafino Trino, 25; Dariel Pacalso Soligan, 21; Jonar Talabing Taukan, 17; at Marson Anhibey Sabit, 18.
Dead-on-the spot sa aksidente si Sasa habang namatay sa ospital si Polano.
Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan at pagkatapos ay pinauwi na matapos gumaling. —sa panulat ni Abby Malanday