Patay ang 2 katao habang 5 ang sugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyan sa isang puno sa Sanchez Mira sa Cagayan.
Ayon kay Chief Master Sargeant Vladimir Enteria, Police Chief Investigator ng Sanchez Mira, kinilala ang mga nasawi na sina Demi Mar Sadoy na namatay on-the-spot at Mark Gil Manantan na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.
Posibleng mechanical trouble at human error ang dahilan ng aksidente bunsod ng madulas na kalsada dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.
Patungong Claveria town ang mga biktima nang maganap ang aksidente. —sa panulat ni Abby Malanday