Dalawa ang nasawi habang aabot naman sa 90 ang bilang ng mga sugatan sa patuloy na pananalasa ng super typhoon Nanmadol sa Japan.
Ayon sa mga otoridad, pumalo na sa 9 na milyong katao ang inilikas matapos tumama ang bagyo sa southern Japan kung saan, apektado ang four main island na binubuo ng Kyushu, Honshu, Hokkaido, at Shikoku.
Bukod sa nabanggit na mga lugar, apektado din ang Tokyo, ilang lungsod kabilang na ang Kagoshima, Oita, Miyazaki, Kumamoto, Yamaguchi, maging ang Chugoku regions.
Pumalo naman sa 350,000 na mga kabahayan ang nawalan ng kuryente matapos magtumbahan ang mga poste at mga puno bunsod ng flashflood at landslide.
Naantala din ang mga negosyo, serbisyo at biyahe sa mga paliparan at pantalan kung saan, itinaas na sa alert level 5 ang naturang bansa, habang nagsasagawa na ng ibat-ibang operasyon ang mga otoridad bunsod ng epekto ng super typhoon Nanmadol.