Nawalan ng kuryente ang nasa 600K customer matapos tumumba ang mga kable ng kuryente sa New England na sakop ng America dahil sa malakas na hangin at pag-ulan.
Ayon sa Disaster Action Team ng New England, ito ay dahil sa walang tigil na pag-ulan kung saan, naging “bomb cyclone” ang bagyo matapos bumaba sa 24 millibars ang presyon nito sa loob lamang ng wala pang 24 na oras.
Dahil dito, binaha ang ilang mga kalsada sa lugar dahilan para ma-istranded ang mga tao sa kani-kanilang tirahan.
Samantala, nasawi naman ang isang indibidwal matapos mabagsakan ng puno ang sinasakyan nito.
Natagpuan namang patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos naman malunod sa kalagitnaan ng bagyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero