Dalawang sibilyan ang patay habang mahigit 20 ang sugatan sa naganap na pambobomba sa kabisera ng Afghanistan.
Ayon kay Kabul Police Spokesman Khalid Zadran, ang Islamic State Group na Sunni Jihadist ang itinuturong nasa likod ng mga nangyaring bomb attack sa teritoryo ng mga Shiite sa lugar.
Dagdag pa ng mga Taliban officials, matagal na nilang natalo ang Islamic State sa Afghanistan ngunit nananatiling hamon sa kanila ang patuloy na pag-atake ng mga Jihadist.
Nabatid na nangyari ang insidente dalawang araw lamang matapos ang isa pang pambobomba sa kanluran ng Kabul kung saan walong katao naman ang nasawi habang 18 ang nasugatan.