Dalawa ang patay habang mahigit animnapu (60) ang sugatan sa pagyanig ng 7.1 magnitude na lindol sa Peru.
Isa sa nasawi ang 55-taong gulang na lalaki matapos matabunan ng malalaking bato sa bayan ng Yauca.
Naitala naman ang 65 sugatan sa mga lungsod ng Arequipa, Ica at Ayacucho.
Ayon sa US Geological Survey naramdaman ang sentro ng lindol sa may 40 kilometro, timog, timog-kanluran ng Acari.
Pinawi naman ng mga awtoridad ang pangamba ng mga residente matapos kumpirmahing walang anumang banta ng tsunami na dulot ng lindol.
—-