Patay ang dalawang katao habang tatlo pa ang sugatan matapos mabangga ng isang truck sa Negros Occidental.
Kinilala ang mag-inang nasawi na sina JR Cordero, 30-anyos, at kanyang ina na si Ermie Cordero 58-anyos habang nasugatan naman ang mag-amang Salgado at isang 12-anyos na kapamilya ng nasawing mag-ina.
Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng 10-wheeler truck na minamaneho ni Henry Salgado Sr., kasama ang otso anyos na anak nang mabangga nito ang road railings hanggang sa tuluyan itong sumalpok sa bahay ng pamilya Cordero.
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang inarestong suspek. —sa panulat ni Kim Gomez