Nasawi ang isang 12-anyos na babae at ang kasama nitong lalaki matapos mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang bus sa San Carlos, Negros Occidental.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, puno ng mga pasahero ang naturang bus na patungo sana sa libing ng kanilang lola nang biglang mawalan ng preno ang bus dahilan para mahulog ito sa kanal sa bahagi ng Sitio Docog-Docog, Brgy. Rizal.
Hindi na umabot sa ospital ang dalawa matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Ayon kay San Carlos Police Chief, Lt. Ruby Aurita, overloaded ang posibleng dahilan ng aksidente dahil lumagpas sa 38 ang seating capacity ng mga pasahero sa loob ng bus.
Gayunpaman, hindi naman kakasuhan ang driver ng mga pamilyang naiwan ng mga nasawi. —sa panulat ni Angelica Doctolero