Patay ang 2 katao matapos malunod sa isang ilog sa Pampanga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Karen Ronquillo, 21-anyos, at Kenneth Maling, 23-anyos, ng Barangay San pedro, Floridablanca.
Sinasabing nagpaalam ang dalawa na maliligo sa ilog sa Sitio Palakol, subalit umapaw ito at natangay ng rumaragasang tubig ang mga biktima.
Dahil dito, balak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO na irekomenda ang pagbabawal sa pagligo sa Sitio Palakol lalo na sa panahon ng tag-ulan.
By: Jelbert Perdez