Patay nang lumulutang sa karagatan ang dalawang indibiduwal nang malunod matapos tangayin ng agos ang tatlong guro at isang kawani ng gobyerno.
Ito’y habang naliligo ang mga nabanggit sa mabatong bahagi ng isang beach sa Barangay Cabatuan, bayan ng Palapag, lalawigan ng Northern Samar.
Kinilala ang mga nasawi na sina artemio mejos, beinte siete anyos at guro ng naparasan elementary school gayundin si James Dulay, trenta anyos at kawani ng lokal na pamahalaan ng Laoang.
Nabatid na magkaklase ang apat sa kolehiyo at sila’y nagpasya na maligo sa ilang na bahagi ng karagatan nang salpukin ng malalakas na alon na nagresulta sa malakas na agos.
Maliban sa mga nasawi, nawawala rin ang iba pang mga kasamahan nito na sina Reynalda Adora, trenta anyos at guro sa Bliss Montessori School sa San Andres, Maynila gayundin si Leonard Adarayan, trenta’y dos anyos at guro sa Pamplona Elementary School Unit 1 sa Las Piñas City.