Patay ang dalawang lalaki matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motor sa General Santos City.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, kinilala ang dalawang lalaki na sina Albert Carallas, driver ng motorsiklo at ang angkas nitong si Mark Anthony Duga-Duga.
Ayon sa Chief of Police ng Malapatan na si P/Major Benjie Ancheta, naganap ang insidente sa kurbadang bahagi sa Poblacion Malapatan sa nabanggit na probinsya kung saan, basag ang bungo ng mga nasawi.
Nabatid na matulin ang pagpapatakbo ng motorsiklo dahilan para lumipad ang mga ito sa kanal at tumama ang kanilang mga ulo sa semento.
Isinugod pa sa ospital ang mga biktima pero dineklara ring deda-on-arrival ng mga doktor. —sa panulat ni Angelica Doctolero