Dalawa (2) na ang patay at tumaas pa ang bilang ng kaso hinggil sa naganap na diarrhea outbreak sa Medina, Misamis Oriental.
Ayon sa inilabas na report ng DOH o Department of Health, pumalo na sa limangdaan at labingpito (517) ang biktima ng diarrhea mula nang magpositibo sa presensya ng tubig dagat ang 30-taong gulang na mga water pipelines ng MERWASCO o Medina Rural Waterworks and Sanitation Cooperative.
Ang nabanggit na kooperatiba ang nagsusuplay ng tubig sa aabot na 11 barangay sa nasabing lugar.
Bukod sa diarrhea, nakaranas ang unang 200 pasyente ng pananakit ng tiyan, panghihina at pagsusuka.
Lumabas din sa isang test na nasa labing siyam (19) na katao ang nagpositibo sa cholera.
Dahil dito, inatasan ni Health Secretary Paulyn Ubial ang kanilang ahensya na maglunsad ng cholera vaccination sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.
By Arianne Palma
2 patay sa diarrhea outbreak sa Misamis Oriental was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882