2 katao na ang patay sa hagupit ng Bagyong Jenny o Super Typhoon Dujuan sa Taiwan.
Mahigit 7,000 katao na rin ang inilikas matapos mag landfall o tumama ang bagyo sa nasabing bansa.
Dahil dito, ipinag utos na ng Taiwan government sa 24,000 sundalo na mag set up ng pansamantalang matutuluyan ng mga evacuee.
Maliban sa mga nagsilikas, 10,000 kabahayan ang walang supply ng kuryente.
Kinansela na ngayong araw na ito ang mga klase sa taiwan at sarado na ang mga opisina at negosyo sa nasabing bansa.
Matapos tumama sa Taiwan, ang bagyong Jenny ay may second landfall sa Mainland China.
By: Judith Larino