Patay ang dalawa katao, kabilang ang isang buwang sanggol na babae, sa naganap na landslide sa bayan ng Retamas sa Peru.
Ayon kay Peruvian Defence Minister Jose Luis Gavidia, walo katao ang nasagip ng rescue team habang walong indibidwal, kabilang ang tatlong mga bata, sa mga patuloy na pinaghahanap.
Nasa 60 hanggang 80 mga bahay naman ang natabunan ng lupa.
Ayon sa National Institute of Civil Defense, nakaranas ng matinding pag-ulan ang lugar na nagdulot ng pagguho ng mga lupain.
Tiniyak naman ni Peruvian President Pedro Castillo na makakatanggap ng tulong ang mga apektadong pamilya.