Nasawi ang dalawang indibidwal sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa Noveleta, Cavite.
Ayon kay Mayor Dino Chua, ang mga nasawing biktima ay mga senior citizens. Isa sa mga ito ay residente ng Barangay Santa Rosa na inatake sa puso matapos ma-trap sa bahay.
Habang inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng isa pang nasawi na mula sa Barangay San Juan II.
Dagdag pa ng alkalde, kasalukuyang nasa apat na evacuation sites sa noveleta ang mahigit limang daan anim na pung indibidwal.
Napagalaman na nalubog sa lampas tao na tubig-baha ang walong barangay sa nasabing bayan.
Ayon kay Chua, nakaapekto ang nasirang breakwater ng bayan at pag-apaw ng Ylang-Ylang River sa matinding pagbaha.
Ani ni Chua maihahalintulad nito ang lakas ng bagyong Paeng sa bagyong Ondoy. – sa panulat ni MAze Aliño-Dayundayon