Dalawa ang kumpirmadong nasawi makaraang bumagsak ang isang cessna plane sa karagatang sakop ng Ilocos Sur kahapon.
Sakay ng naturang eroplano na may body number na RP-C7838 ang piloto na kinilalang si John Kaizan Estabillo at pasahero nitong si Paula Biance Robles.
Batay sa salaysay ng mga testigo, nagmula sa Vigan City airport ang nasabing eroplano at sumabit ang pakpak niyon sa zipline na siyang dahilan ng pagbagsak nito.
Agad nagtulung-tulong ang mga diver mula sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy upang masagip ang mga sakay ng mga eroplano ngunit nabigo silang ma-retrieve agad ang katawan ng mga biktima.
Kaninang alas-6:45 ng umaga ay tuluyan nang narekober ng search and rescue team ang katawan ng mga nasawi.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang kumpanyang Leading Edge International na siyang operator ng nasabing eroplano.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)