Patay ang dalawang tripulante matapos lumubog ang isang Russian freight ship sa karagatang sakop ng probinsya ng Bartin sa Turkey.
Ayon kay Bartin Governor Sinan Guner, ang dry cargo ship na “Arvin” ay tumaob sa Black Sea na sakop ng Inkumu region dahil sa masamang panahon.
Sa ulat naman ng Anadolu news agency, labintatlo pa lamang sa mga crew members ang nasagip habang dalawa na ang kumpirmadong nasawi.
Patuloy pa rin ang rescue efforts at imbestigasyon sa insidente.