Dalawa ang patay sa bus accident sa Lalawigan ng Isabela sa kasagsagan ng malakas na ulang dulot ng Bagyong Florita.
Ilang oras matapos mag-landfall ang bagyo sa Bayan ng Maconacon, isang Victory Liner Bus ang tumagilid sa gilid ng National Highway at bumangga sa isang poste ng kuryente sa Bayan ng Naguillan.
Ayon sa Naguilian Municipal Police, patungong Sampaloc, Maynila mula Tuguegarao City, Cagayan ang sasakyan nang ma-aksidente dakong alas-11 kahapon ng umaga sa Barangay San Manuel.
Hindi umano na-control ng driver ang brake dahil sa dulas ng kalsada.
Anim na pasahero ang lulan ng bus nang maganap ang trahedya.