Ikinasawi ng dalawang katao habang sugatan ang mahigit 20 katao matapos tamaan ng missile ng Russia ang isang pagamutan sa Dnipro City sa Ukraine.
Ginagamot na sa ibang pagamutan ang mga nasugatan biktima.
Dahil dito ay pinaigting ng Russia ang missile strike dahil sa inaasahan nilang counteroffensive attack ng Ukraine.
Samantala, kinondena naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang insidente kung saan tinawag na terorismo ang ginawang ito ng Russia dahil sa may mga sibilyan ang nadamay.