PATAY ang dalawang indibidwal habang sugatan naman ang anim na iba pa sa pamamaril sa Tel Aviv, Israel.
Hindi pa tukoy ang motibo sa pag-atake ngunit nangyari ito sa kasagsagan ng umiinit na tensyon kasunod ng serye ng mga pag-atake ng Palestinians.
Ayon sa emergency service, tatlo sa anim na sugatan ay kritikal ang kondisyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad naturang pag-atake.