Nasawi ang dalawa katao dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta sa Negros Oriental.
Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal kung saan nasawi umano ang dalawa dahil sa pagkalunod.
Kasalukuyan pa aniyang inaalam ang detalye kaugnay sa pagkasawi ng mga biktima.
Samantala, 14 aniya ang napaulat na nawawala; 12 umano rito ay sa Catanduanes kung saan pumalaot ang mga ito at naabutan ng masamang panahon.
Isa naman dito ang pinaghahanap pang crew member ng lumubog na yate sa Bauan, Batangas habang ang isa ay sa Negros Oriental na tumatawid umano ng ilog at nadala ng malakas na agos.
Ani Timbal, halos aabot sa 1-milyong populasyon ang naapektuhan ng pananalasa ni Bagyong Quinta.
938,746 people ito out of 863 barangays mula sa Region 3, NCR, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 7, 8 and Cordilleras,” ani Timbal. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas