Dalawa ang napaulat na namatay sa Cayagan dahil sa pananalasa ng bagyong Falcon.
Ayon kay Atanacio Macalan ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, kapwa nalunod ang mga biktima sa magkahiwalay na insidente.
Residente ng Abulug ang isa habang mula naman sa Gattaran ang isa pang biktima.
Bukod sa mga nasawi, napinsala naman ang siyam na lansangan at tatlong tulay sa probinsiya kaya nananatili itong hindi madaaanan.
Samantala, na – rescue naman ang pitong mangingisda sa katubigang bahagi ng San Francisco, Southern Leyte.
Ayon kay Seaman First Gil Angelo Cabading ng Coast Guard sa Maasin City, lumubog ang bangka ng mga mangingisda na mula sa Surigao City dahil sa malalaking alon at malakas na hangin dulot ng Bagyong Falcon.
Higit 10 oras na nagpalutang lutang ang mga mangingisda sa dagat bago na – rescue ng mga lokal na residente sa lugar.