Dalawang piloto ang nasawi sa pagbagsak ng kanilang trainer aircraft sa Plaridel Airport, Bulacan, kahapon.
Dead on arrival si Captain Arthur Rebollido, habang sa ospital na binawian ng buhay ang student pilot na si James Oquilda matapos magtamo ng fracture sa ulo.
Sakay ang dalawa ng cessna trainer aircraft nang bumagsak sa Plaridel Airport sa barangay Agnaya alas-4:45 ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, nagsasagawa ng training flight o touch and go exercise ang dalawa nang maganap ang aksidente.
3 anggulo
Tinututukan ng aircraft accident investigation board ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang tatlong anggulo hinggil sa pagbagsak ng cessna plane sa Plaridel Airport.
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP kabilang sa kanilang mga tinututukan ay ang masamang lagay ng panahon, pagpalya ng makina at ang posibleng human error.
Kahapon ay bumagsak sa baranggay Agnayan sa Pladirel, Bulacan ang cessna plane na ikinasawi ng piloto na si Captain Arthur Reborido at ng student pilot nito na si James Okinalda.
By Meann Tanbio | Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)
Photos Courtesy of Raoul Esperas