Dalawang bata ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa gagalangin sa Tondo, Maynila.
Ang nasabing sunog na umabot ng unang alarma ay nagsimula kaninang 9:30 a.m. at naapula makalipas ang halos 10 minuto.
Nakilala ang mga biktima na sina Aliyah Raine Morales, siyam (9) na taong gulang at isang (1) taong gulang na si Anastacia Marie Morales, na kapwa na suffocate sa sunog.
Nasa P30K ang halaga ng pinsala sa nasabing sunog na nakaapekto sa isang bahay lamang kung saan nagsimula ang apoy matapos umanong pumutok ang isang appliance na nuoy naiwang nakasaksak.