Patay ang isang driver at pahinante nito matapos tumagilid ang sinasakyang trailer truck sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang nasawing driver na si Raymond Santos, 35-anyos, at ang pahinanteng si Mark Anthony Juan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungong Norte ang dalawa sakay ng truck na may plakang RNJ- 763 na kargado ng feeds at mga dog food habang binabagtas ang National Highway sa Barangay Gabut.
Ayon sa mga otoridad, nawalan ng kontrol ang minamaneho ng driver dahil pakurba umano ang kalsadang kanilang dinaanan dahilan para tumagilid ang truck at bumangga sa concrete barriers na nasa gilid ng kalsada.
Naisugod pa sa ospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor dahil sa matinding pinsalang natamo sa ulo at katawan.