Dalawa katao ang nasawi habang libo-libong residente ang napilitang lumikas dahil sa wildfire sa Southern California.
Ayon sa mga otoridad, ilang mga gusali ang napinsala dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Isinugod naman sa ospital ang isang indibidwal dahil sa tinamong burn injuries sa braso, likod at mukha.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng wildfire.