Nag-donate ang Amerika ng dalawang bagong Cessna 208 B aircraft sa Pilipinas.
Sa turnover ceremony sa Villamor Airbase, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na gagamitin ang dalawang patrol planes sa counter-terrorism, humanitarian assistance and disaster relief, maritime patrol, at maging sa ground and naval operations.
Dagdag pa ni Lorenzana, maaari rin itong gamitin sa operasyon ng militar sa Marawi City, gayundin sa Sulu Sea, West Philippine Sea at Philippine Rise.
Ang dalawang patrol planes na ipinagkaloob ng Amerika sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng $33-M o katumbas ng P1.67-B.
- Meann Tanbio