Pinalaya na ng Muntinlupa New Bilibid prison ang dalawang Person Deprived of Liberty (PDLs) na tapos na ang ipinataw na sintensya ng pagkakabilango.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) pinalaya ang mga naturang kwalipikadong PDLs upang magbawas ng mga bilanggo sa mga kulungan sa pitong bilangguan sa bansa.
Pagtitiyak ng BuCor sumailalim sa COVID-19 antigen test ang dalawang PDLs upang masiguro anila na wala itong baong COVID-19 pag-uwi ng mga ito sa kanilang pamilya.
Habang pinagkalooban rin anila ng mga ito ng pera bilang pamasahe pauwi.
Magugunitang batay sa tala ng BuCor noong 2021 nasa 4,610 na ang napalaya nito.