Naghain na ng aplikasyon para sa emergency use authorization ang 2 pharmaceutical firm para sa antiviral medicine nito na Molnupiravir, na isang investigational Covid-19 drug.
Sinabi ni Food and Drug Administration Director-General Eric Domingo, nag-apply ng EUA ang Faberco at Medethix na posibleng maaprubahan ngayong buwan.
Aniya, hindi pa commercially available ang naturang Covid-19 antiviral drug sa bansa ngunit maaari itong gamitin ng ilang mga ospital na mayroong compassionate special permit.
Matatandaang inaprubahan ng FDA ang “compassionate use” ng Molnupiravir sa 31 ospital sa Pilipinas na mayroong compassionate special permit para dito. —sa panulat ni Hya Ludivico