Malalagasan ng dalawang manlalaro ang Philippine Azkals.
Ito ay matapos na ianunsyo ni Jerry Lucena at Paul Mulders ang kanilang pagreretiro sa international football.
Matatandaang 88 beses na ikinatawan ni Lucena ang Philippine Football Team at umiskor ng dalawang mahahalagang goal gaya ng laban ng Azkals kontra Maldives sa 2014 AFC Challenge Cup.
Habang 38 beses ding ni-representa ni Mulders ang Azkals simula noong 2011.
By Ralph Obina