Dalawa pang bihag ng Abu Sayyaf ang pinalaya na ng mga bandido.
Parehong Pilipino ang pinalaya ng ASG na kinilalang sina Daniela Taruc at Levy Gonzales, kapwa empleyado ng Power City Corporation, isang telecom company na dinukot nitong Agosto lamang ng taong ito.
Natagpuan ng isang concerned citizen ang mga biktima nang iwan sila ng Abu Sayyaf sa Barangay Tiptipon Panglima Estino Sulu.
Agad itong nai-turn over sa Joint Task Force Sulu Headquarters kung saan sila sumailalim sa medical check-up.
Ayon sa AFP, ang magkakasunod na pagpapalaya sa mga bihag ng Abu Sayyaf ay resulta ng walang humpay na kampanya ng Joint Task Force Sulu laban sa Abu Sayyaf.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)