Patay ang dalawang (2) piloto matapos bumagsak ang sinasakyan nilang fighter jet sa Iran.
Nasa kasagsagan umano ng pagsasanay ang mga piloto nang mangyari ang aksidente sa probinsya ng Baluchestan.
Sinasabing problemang teknikal ang sanhi ng pagbagsak ng naturang eroplano.
Tinangka umano ng piloto na lumapag sa kalsada ng Konark pero nabigo ito dahil sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.
By Jelbert Perdez
*Photo Credit: AFP