Naibaba na kahapon ang dalawang pilotong nakaligtas sa pagbagsak ng Cessna plane sa kabundukan ng Sierra Madre, Aurora.
Pasado ala 5:00 ng hapon naibaba sina Capt. Albert Galvan at student pilot na si Alexis Trinidad sa tulong ng militar.
Bali sa binti at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ni Trinidad habang sugat sa mukha ang tinamo ni Galvan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 10:00 ng umaga noong Martes nang lumipad mula Lingayen airstrip, Pangasinan ang dalawa lulan ng 2-seater Cessna plane at iikot sana sa lalawigan ng Aurora.
Posibleng hindi napansin nina Galvan at Trinidad ang mataas na bahagi ng bulubundukin dahil sa maulap na panahon.