Arestado ang dalawang Pinay dahil sa pag-overstay sa Hong Kong.
Ito’y sa harap na nagpapatuloy na isinagawang crackdown operation ng mga otoridad ng Hong Kong sa mga overstaying na foreign workers sa naturang bansa.
Kabilang sa nadakip ang 67- taong gulang at 49 anyos na mga Pilipina.
Umabot ng 21 taon na nag over staying sa Hong Kong ang mga Pilipina at nabigong mag-renew ng kanilang working visa.
Samantala, patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nadadakip sa Hong Kong dahil sa Breach of Condition to Stay ng Immigration Department sa nabanggit na bansa.